Tuesday , April 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 6-anyos anak binugbog, Mister kalaboso

6-anyos anak binugbog, Mister kalaboso

NANG hindi sundin ang iniuutos, binugbog ng isang lalaki ang kanyang 6-anyos anak sa Valen­zuela City, kamakalawa ng umaga.

Agad inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Pre­cinct (PCP) 8 ang suspek na si Michael Fabul, 35, sa kanilang bahay sa Eugenio St., Sitio Sulok, Brgy. Ugong makaraang humingi ng tulong sa pulisya ang asawa niyang si Windylyn nang masak­sihan ang kalupitang ginagawa sa kanilang anak.

Inutusan umano ng suspek ang anak ngunit hindi agad nakasunod ang bata kaya’t sa galit ay nilapitan niya ang biktima at ginulpi.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top