Tuesday , March 19 2024

Okada kasuhan sa US$10-M kasong embezzlement

HINILING sa Depart­ment of Justice na gisahin sa korte si gaming tycoon Kazuo Okada dahil sa paglustay ng mahigit $10 milyong pondo ng Okada Manila hotel-resort at ba­ligtarin ang resolution na inilibas ng Parañaque City Prosecutor’s office na nag­basura sa nasabing mga kaso.

Sa magkahiwalay na motion, iginiit ng Tiger Resort Leisure & Enter­tainment Inc. (TRLEI), ang may-ari ng nasabing hotel resort sa Parañaque City, na ang dismissal sa reklamo at premature release o isang leakage ng mga resolutions sa kam­po ni Okada ay lumabag sa karapatan nito sa due process.

Inireklamo ng TRLEI ang nasabing resolution na nauna pang lumabas sa social media accounts ng Korean girlfriend ni Okada na si Chloe Kim noong 18 Mayo na ibina-s­ura na ni City Prosecutor Amerhassan Paudac ang embezzlement cases ni Okada.

“The premature leak­age, followed by the apparent ‘rush to release’ the assailed resolutions, coupled with the wrong­ful dispositions and resolution of these cases, are indicative of Paudac’s feared undue interest in the instant cases and which not only violate due process… but are grave administrative offenses,” ayon sa TRLEI.

Ipinagpalagay na ang nasabing leakage ay hindi lamang lumabag sa batas para sa public officers kundi sinisira ang kred­i-bilidad, kalayaan at integridad ng resolution sa kaso gayondin sa OCP-Parañaque at maging kay Paudac.

“The leaked assailed resolution(s) itself is the smoking gun that some­thing irregular happened in the Office of the City Prosecutor of Parañaque City, headed by Paudac,” giit ng TRLEI.

Ang kontrobersiya ang nag-udyok kay Justice Secretary Menardo Guevarra para atasan ang National Bureau of In­vestigation (NBI) na imbestigahan ang mga ka­ganapan na may kaug­nayan sa leakage ng dalawang Paudac’s reso­lution.

Paliwanag ng kali­him, ang paglalabas ng mga kautusan at resolu­tion na hindi opisyal gaya ng leakage resolution ay hindi pinapayagan sa ba­tas maliban kung may sapat na dahilan at ito ay kinakailangan at hi­nihingi ng pagkakataon.

Sa record, ang unang estafa case na isinampa ng TRLEI ay illegal disbursement ni Okada sa company funds na nag­kakahalaga ng $3.1 mil­yon na itinuring na con­sultancy fees and salaries kahit isang buwan siyang nanungkulan bilang CEO sa pamamagitan ng kan-y­ang kasabwat na si Ta­kahiro Usui, ang dating TRLEI president.

Paglilinaw ng TRLEI, ang nasabing disburse­ment ay hindi aw-torisado.

Ang ikalawang esta­fa case ay sangkot ang $7-milyong supply contract sa light emitting diode (LED) fixtures sa Okada Manila  na ang naging supplier ay kompanya mismo ni Okada na Aruze Philippines Manu­facturing Inc (APMI) at kasabwat ang close associate ng Japanese tycoon na si  Kengo Take­da, dating Chief Techno­logy Officer (CTO) ng  TRLEI.

Umasa ang TRLEI na diringgin ng DOJ ang kanilang apela gaya ani­ya ng naging hakbang nila sa kontrobersiyal na drug cases nina nina Peter Lim at Kerwin Espinosa, self-confessed drug dealer.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Caloocan

2 wanted na  rapist huli sa Kankaloo

ARESTADO ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa matapos matimbog ng pulisya …

shabu drug arrest

3 adik huli sa P.1-M shabu

SA KULUNGAN bumagsak ang tatlong drug suspects, kabilang ang isang babae matapos makuhaan ng mahigit …

Vietnam

PH dapat matuto sa Vietnam — Gatchalian

DAPAT pag-aralan ng Filipinas ang kalakaran sa edukasyon ng bansang Vietnam, sabi ni Senador Win …

Asin Salt

Villar pinasalamatan si  PBBM sa bagong buhay ng ‘salt industry’

“NAGKAROON ng bagong buhay ang naghihingalong salt industry nang lagdaan ni President Ferdinand Marcos, Jr., …

Alan Peter Cayetano Pia Cayetano

Cayetano – DSWD partnership, nag-abot ng tulong sa 800 residente ng Iloilo

SA MULING pagbisita sa probinsiya ng Iloilo, ang mga tanggapan nina Senator Alan Peter at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *