Tuesday , March 19 2024
shabu drugs dead

Bagong Tserman utas sa drug raid sa Palawan

PALAWAN – Patay ang isang bagong halal na punong barangay sa ikinasang operasyon kontra droga sa Balabac, Palawan nitong Biyer­nes.

Tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang dibdib si Pistoh Hamja na uupo sanang tserman ng Brgy. Mangsee sa 30 Hunyo.

Ayon sa mga awtori­dad, nanlaban umano si Hamja at nagtangkang mang-agaw ng baril.

Narekober sa kan­yang bahay ang isang malaking pakete at da­lawang sachet ng hini­hinalang shabu.

Isinagawa ang ope­rasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Brooke’s Point.

May isang testigo ang lumutang sa mga awtori­dad na nagsabing may ki­nalaman umano si Hamja sa ilegal na tran­saksiyon ng droga sa Brgy. Mangsee.

Tumulak sa isla nitong Huwebes ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy (PDEA), Palawan Provincial Police Office, Balabac Municipal Police Station, PNP Maritime Special Operations Unit at Marine Battalion Lan­ding Team 4.

Pinasok ng mga awtoridad ang bahay ni Hamja, dakong 2:30 ng madaling-araw nitong Biyernes.

Itinanggi ng pamilya na sangkot si Hamja sa ilegal na gawain.

“Wala po siyang kinalaman sa droga. Ma­tagal na siya pinag­kaka­tiwalaan ng mga tao,” pahayag ni Asis Hamja, kapatid ng suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Caloocan

2 wanted na  rapist huli sa Kankaloo

ARESTADO ang dalawang lalaki na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa matapos matimbog ng pulisya …

shabu drug arrest

3 adik huli sa P.1-M shabu

SA KULUNGAN bumagsak ang tatlong drug suspects, kabilang ang isang babae matapos makuhaan ng mahigit …

Vietnam

PH dapat matuto sa Vietnam — Gatchalian

DAPAT pag-aralan ng Filipinas ang kalakaran sa edukasyon ng bansang Vietnam, sabi ni Senador Win …

Asin Salt

Villar pinasalamatan si  PBBM sa bagong buhay ng ‘salt industry’

“NAGKAROON ng bagong buhay ang naghihingalong salt industry nang lagdaan ni President Ferdinand Marcos, Jr., …

Alan Peter Cayetano Pia Cayetano

Cayetano – DSWD partnership, nag-abot ng tulong sa 800 residente ng Iloilo

SA MULING pagbisita sa probinsiya ng Iloilo, ang mga tanggapan nina Senator Alan Peter at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *