Monday , June 17 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 24 cop sinibak sa MIMAROPA

24 cop sinibak sa MIMAROPA

SINIBAK sa puwesto ang ilang ma­tataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Mimaropa region dahil sa kanilang ‘mahinang’ kampanya kontra ilegal na droga.

Napag-alaman, ina­probahan mismo ng kani­lang Regional Director na si C/Supt. Emmanuel Licup ang pagsibak sa 24  chiefs of police (COP), sa reko­mendasyon ng over­sight committee on illegal drugs.

Kabilang sa sinibak ang apat na chiefs of police ng Oriental Min­doro; Occidental Mindo­ro, 5; Marinduque, 1; Romblon, 5; Palawan, 8; at isa sa Puerto Princesa City.

Pinakamaraming ti­nang­gal sa puwesto mula sa Palawan, su­munod ang Occidental Mindoro at Romblon.

Kinalampag ng regio­nal police ang natitirang 53 chief of police sa rehiyon na ‘triplehin’ ang kanilang kampanya kon­tra droga.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top