Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paghihiwalay nina Barbie at Paul, ibinuking ni JM
Paghihiwalay nina Barbie at Paul, ibinuking ni JM

Paghihiwalay nina Barbie at Paul, ibinuking ni JM

SA interview kay JM De Guzman ng Pep.ph, nilinaw nito ang biro niya tungkol sa pagiging single ng leading lady niya sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na si Barbie Imperial.

Sa guest appearance kasi ng dalawa sa PEP Live kamakailan, pabirong idineklara ni JM na single na si Barbie, na ang ibig niyang sabihin ay hiwalay na ito kay Paul Salas.

READ MORE:  Isabelle, nahirapang ‘akitin’ si Gerald

Sabi ni JM, ”Naging biruan kasi namin ‘yun ni Barbie. Nag-relate siya sa akin minsan sa taping, na parang mayroon silang pinagdaraanan, nai-share niya lang. Kasi minsan, nag-uusap din kami ng mga personal and na-share niya ‘yun, na parang nag-away yata sila ni Paul. Biniro ko lang sa PEP Live.”

Ayon pa kay JM, totoo naman na naghiwalay sina Barbie at Paul, pero naayos naman ‘yun. Okey na ulit ang relasyon ng dalawa.

READ MORE:  Gardo, kapamilya ang turing kay Maine

“Totoo ‘yun pero naayos. Nangyayari naman ‘yun talaga.”

Samantala, masaya si JM na marami ang nagsasabing may chemistry sila on screen ni Barbie.

READ MORE:  Tagos hanggang puso ang eksena nina Jodi at Kathryn

“Actually noong una medyo nahihirapan din kami. Noong ipino-promote pa lang namin ‘yung show, marami ang nagda-doubt doon sa age gap. Bina-bash na agad ‘di pa kami umeere. Ayun, nagbunga naman ‘yung team effort naming,” sambit pa nito.

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved