Friday , April 26 2024
Vilma Santos

Ate Vi, never siniraan ang tatay ng kanyang anak: Mali ang nagbabangayan kayo, sa huli ang anak niyo ang talo

MINSAN nakakuwen­tuhan namin si Congresswoman Vilma Santos-Recto, at alam naman ninyo iyang si Ate Vi, basta nagsimula nang magkuwento kahit na ano maaari na ninyong mapag-usapan. Madalas na kuwento ni Ate Vi kung gaano siya kasaya sa buhay niya ngayon.

Huwag nang pag-usapan iyong kanyang kalagayan. Ang sinasabi nga niya masaya siya dahil isang mabuting asawa si Senator Ralph, at masasabi nga ring suwerte siya sa kanyang dalawang anak na sina Luis at Ryan.

Pero hindi nga maikakaila ni Ate Vi na nagkaroon din naman siya ng problema noong una. Hindi naging matagumpay ang una niyang marriage, na natapos sa isang divorce. Mag-isa rin naman niyang itinaguyod ang kanyang anak na si Luis, na ok lang naman sa kanya dahil noong panahong iyon, siya naman ang kumikita ng mas malaki, at siguro nga ay nasa posisyon para maghanda ng kinabukasan ng kanyang anak.

Pero there is one thing na sinisiguro ko. Hindi ko sinisiraan sa aking anak ang tatay niya. Hindi ko hinahayaang may maninira sa aking anak sa tatay niya. Kasi kung sisiraan mo sa kanya ang tatay niya mismo, sino nga ba ang mawawalan? Iyong bata rin ang kawawa eh. Matatanim sa isip niya, walang kuwenta pala ang tatay niya. In the end iisipin din niya, walang kuwenta ka rin dahil pinili mo ang walang kuwentang tatay niya.

Kaya ako ang naging attitude ko noon, sinasabi ko sa kanya na may mga bagay na hindi namin napagkasunduan ng tatay niya kaya kami naghiwalay, pero hindi ko siniraan ang tatay niya sa kanya. In fact iminulat ko sa kanya ang tamang pag-respeto sa tatay niya. Kung paano ko inirespeto si Papa at kung paano ko siya, minahal. Ganoon din ang gusto kong gawin ng mga anak ko sa tatay nila.

Mali iyong magba­bangayan kayo, magsisiraan sa publiko, dahil in the end ang kawawa iyong mga anak ninyo,” sabi ni Ate Vi.

Iyan ang magandang example ng isang nanay. Hindi lang pagbibigay ng pera sa anak ang mahalaga. Kailangan matutuhan ng isang bata ang tamang values.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *