Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Jeepney terminal ginawang drug den, 2 timbog
Jeepney terminal ginawang drug den, 2 timbog

Jeepney terminal ginawang drug den, 2 timbog

ARESTADO ang dalawang lalaki makaraan isumbong ng guwardiya sa himpilan ng pulisya habang bumabatak ng hinihinalang shabu sa terminal ng jeep sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Jofrey Siroy, 52, at Francis Gallos, 26, kapwa residente sa Batangas St., Brgy. Pio del Pilar sa nasabing lungsod.

READ MORE:  Obrero libre sa LRT

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa guwardiyang si Niño Mirarza, kaugnay sa pot session sa loob ng isang nakaparadang jeep sa terminal sa panulukan ng Arnaiz Avenue at P. Tramo St., sa Brgy. Pio del Pilar, dakong 7:30 ng umaga.

READ MORE:  Inting ng Comelec, Puyat ng Tourism lusot sa committee level ng CA
READ MORE:  16,500 pumila sa pahalik sa Nazareno (AFP kasado sa Traslacion)

Agad tumugon ang mga pulis sa nasabing sumbong at nagkasa ng pagsalakay sa lugar na naging sanhi ng agarang pagkakaaresto kina Siroy at Gallos.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved