Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte inatake ng migraine
Duterte inatake ng migraine

Duterte inatake ng migraine

TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa erop­lano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipi­nas noong Martes ng gabi.

READ MORE:  Bagyong Maysak papasok sa PH sa Miyerkoles

Ayon kay Presiden­tial Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil normal lamang sa Pangulo ang makaranas ng migraine.

READ MORE:  3 PNP prov’l head sinibak sa puwesto (Bigo sa anti-drug war)

Gayonman, aminado si Roque na ito ang unang pagkakataon na inatake ng migraine ang Pangulo habang sakay ng eropla­no.

Matagal na aniyang iniinda ng Pangulo ang migraine dahil sa aksi­dente sa motorsiklo, may ilang taon na ang nakararaan.

READ MORE:  Lolo inatake sa Pacman vs Algieri

Personal na aalamin ni Roque kung tapos nang sumailalim sa annual check-up ang Pangulo at agad ding isa­sa­publiko kung may­roon nang resulta.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved