Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lola, 3 drug user tiklo sa buy-bust
Lola, 3 drug user tiklo sa buy-bust

Lola, 3 drug user tiklo sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang 63-anyos lola at 17-anyos binatilyo sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan police deputy chief for administration, Supt. Ferdinand Del Rosario ang arestadong mga suspek na sina Amie Hernandez, 63; Angelito Gracia, 20; Benson Tiron, 19, at ang isang 17-anyos binatilyo.

Ayon kay Supt. Del Rosario, dakong 6:00 pm, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) laban kay Hernandez sa DM Compound Heroes Del, Brgy. 73.

Agad inaresto ng mga awtoridad si Hernandez kasama ang tatlo pang suspek makaraan bentahan ng P1,000 halaga ng shabu ang poseur-buyer.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang 12 plastic sachet ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, P1,000 buy-bust money at digital weighing scale.

 (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved