Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Opisyal ng NPA nadakip sa Butuan
Opisyal ng NPA nadakip sa Butuan

Opisyal ng NPA nadakip sa Butuan

BUTUAN CITY – Nadakip ang isang opisyal umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Brgy. Ambago sa lungsod, nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek bilang si Nerita de Castro alyas Nene/Nening/ Nora, sinasabing finance officer ng CPP-NPA Komisyon Mindanao na pumalit sa arestadong si Leonida Guao noong Pebrero.

Inaresto siya ng mga awtoridad sa kasong murder base sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 8 noong 13 Marso.

Sinasabing responsable rin si De Castro sa pangongolekta ng revolutionary tax sa Mindanao.

Kinilala rin ng militar si De Castro bilang secretary ng Regional White Area Committee ng North Eastern Mindanao Regional Committee.

Nasa kustodiya ng Regional Criminal Investigation Unit si De Castro.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top