Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / It’s Showtime, walang buhay ‘pag wala si Vice Ganda
It’s Showtime, walang buhay ‘pag wala si Vice Ganda

It’s Showtime, walang buhay ‘pag wala si Vice Ganda

MULING nabuhay ang It’s Showtime nang sumampa si Vice Ganda pagdating na pagdating nito mula sa kanyang successful concerts abroad.

Sa halos dalawang linggong pagkawala ni Vice sa daily noontime show ng Kapamilya Network ay lumaylay talaga ang ratings nito.

Marami naman talaga ang nagsabing si Vice Ganda lang ang totoong bumubuhay sa It’s Showtime at hinahanap talaga siya ng madlang pipol!

Kahit sa social media ay marami ang nagpahayag ng kanilang saloobing ibang-iba ang sigla ng Showtime kapag naroon si Vice.

Ganyan din ang aming naramdaman kaya pati kami ay nagpahayag din na walang kabuhay-buhay ang daily noontime show kapag wala si Vice!

Hindi na talaga maitatagong buhay ng show si Vice kaya everytime na nawawala ito ay kaagad siyang hinahanap ng tao. ‘Yun ang totoo!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved