Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P750 national mininum wage panukala sa Kamara
P750 national mininum wage panukala sa Kamara

P750 national mininum wage panukala sa Kamara

INIHAIN sa Kamara nitong Lunes, ng mga mambabatas na kasapi ng Makabayan bloc, ang panukalang batas na naglalayong itakda sa P750 ang minimum wage kada araw sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Sa ilalim din ng House Bill 7787, bubu­wa­gin ang National Wages and Productivity Com­mis­sion na gumagawa ng mga polisiya sa sahod at bibigyan ng mandato ang pangulo na magtakda ng national minimum wage.

READ MORE:  Magdyowa timbog sa P.1-M shabu

Ayon kay Bayan Mu­na Rep. Carlos Zarate, layunin ng panukala na maibsan ang hirap na nararanasan ng mga Filipino na apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng reporma sa buwis.

“The minimum wage must be reverted back to a national wage standard. Almost all prices of basic good and services being traded in all regions are similar nationwide,” sabi ni Zarate.

READ MORE:  Chinese businesswoman, anak dinukot sa Basilan

Ayon kay Zarate, mali umanong ipagpalagay na mas mababa ang gastos ng pamumuhay sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila.

“It is not reflective of the real situation,” aniya.

Sa kasalukuyang sistema, itinatakda ang minimum wage sa bawat rehiyon ng mga regional board.

READ MORE:  Kabaong na eroplano, inihanda ng anak para sa ina

Ang pinakamataas ay sa Metro Manila sa P512 kada araw habang pina­kamababa sa Ilocos Region sa P280 kada araw.

Batay raw sa pag-aaral ng IBON Found­ation, ani Zarate, kina­kailangan ng isang pamil­yang may anim miyem­bro, ng P1,168 para ma­tugunan ang mga pang-araw-araw na panga­ngailangan, na malayo sa kasalukuyang halaga ng mga minimum wage.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved