Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / BoC keep up the good work!
BoC keep up the good work!

BoC keep up the good work!

BAGO ang lahat ay nais ko munang batiin ang isa sa magaling, matalino, masipag at serbisyo publiko na opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ng isang maligayang kaarawan na si Asst. Commissioner Atty. Jet Maronilla.

Sana ay dumami pa ang mga kagaya ni Atty. Jet na talagang nagtatrabaho nang tapat para sa bayan.

God bless po!

***

Sa nangyayaring mga issue ngayon sa Aduana, tama lang na magkaisa at maging matatag laban sa mga gustong manira sa kanila.

Napakasipag, napakatalino ni BoC Comm. Sid Lapeña at talagang isa siya sa mga maituturing na may malasakit sa bansa.

READ MORE:  Rotary Club of Makati Cristo Rey

Siya ay tapat sa paglilingkod sa bayan kagaya ni Pangulong Digong at ang gusto niya ay maging maayos ang kanyang nasasakupan.

Kaya naman tulungan n’yo si Comm. Lapeña dahil napakalaki ng ipinagbago ng Customs simula nang pamunuan niya ito.

Marami ang bumilib sa kanya dahil ang pagkatao niya ay malinis kaya full-trusted and confident si PDU30 sa kanya.

Napakataas ng revenue collection na nakukuha nila at sunod-sunod ang kanilang paghuli sa mga illegal na kargamento partiku­lar ang illegal drugs sa NAIA maging agri products.

READ MORE:  Mocha hindi sumuko nang mag-bye-bye sa PCOO, digmaan ‘este laban dadalhin sa Kongreso

Kung tutuusin, lahat ng tao ngayon ni Comm. Sid ay magagaling at matatalino lalo ang kanyang deputy commissioners kagaya nina Depcom. Atty. Edward James Dy Buco, Gladys Rosales, Noel Prudente, Gen. Boying Ecarma na pinalitan ni Gen. Jess Fajardo, Atty. Teddy Raval at Gen. Ricardo Quinto.

Wala tayong masasabi sa kanilang mga ginagawang pagbabago sa Aduana at lahat nagtutulungan sila upang tuluyang wakasan ang korupsiyon sa Aduana at smuggling sa bansa.

***

Kamakailan ay nagkaroon ng speaking engagement si Coll. Dino Austria sa stakeholders sa Port of Manila.

READ MORE:  ER Ejercito sibak na; DQ vs Erap kailan CJ Sereno?

Talaga namang naging rock star si Atty. Austria sa mga dumalo sa nasabing forum dahil nabigyan ng liwanag at kasagutan ang mga hinaing ng mga negosyante mapa- broker man o truckers at importers.

Isa siya sa batang opisyal ng customs na may malasakit sa lahat.

Well, nakikita natin na malayo pa ang mararating ni Coll. Dino at siya ay totoong serbisyo publiko na hindi matatawaran ang nagawa sa Aduana.

Keep up the good work BoC.

Mabuhay kayong lahat!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved