Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Matt, payag maging driver ni Marian, makatrabaho lang
Matt, payag maging driver ni Marian, makatrabaho lang

Matt, payag maging driver ni Marian, makatrabaho lang

MASAYA si Matt Evans na natupad na ang isa sa mga pangarap niya at iyon ay ang makatrabaho si Marian Rivera na nagkasama sila sa Sunday PinaSaya.

Naku para akong basang sisiw kapag katabi ko si Yanyan (Marian)! Nahihiya ho talaga ako ng todo eh, nahihiya  ako.

“Siyempre si Madam ‘yun eh,” ang masayang sinabi pa ni Matt.

Pero noong nakausap ko na, sobrang parang ang tagal n’yo ng magka­kilala. ‘Yung trato niya sa tao, parang ang tagal mo ng kaki­lala, ganoon siyang makipag-usap, ‘yung approach niya.

“So parang siya na rin po ‘yung nagtanggal niyong hiya ko sa kanya so, ngayon mas kampante na ako, nabibiro ko na.”

At nais ni Matt na makasama si Marian sa isang teleserye.

Sino naman po ba ang hindi, oo naman po.

Kahit driver,” at tumawa si Matt.

Iisa ang manager nina Matt at Marian si Rams David ng All Access To Artists, Inc.

Guest si Matt sa The Cure bilang si Elmer na asawa ni Myra na gagampanan naman ng isa pa ring guest star ng show na si Kris Bernal.

Kami po ‘yung  pamilyang tumulong sa kanila noong naghahanap sila ng matatakbuhan,”  kuwento ni Matt tungkol kina Gregory at Charity Salvador played by Jennylyn Mercado and Tom  Rodriguez na mga bida naman sa naturang GMA primetime series.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved