Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Engineer’ timbog sa talbog na tseke
‘Engineer’ timbog sa talbog na tseke

‘Engineer’ timbog sa talbog na tseke

ARESTADO sa mga aw­toridad ang isang nagpa­kilalang engineer dahil sa sinabing pag-iisyu ng tumalbog na tseke sa kasama niya sa negosyo, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, kalaboso si David Asuncion nang ireklamo ng kasosyo niya sa negosyo dahil sa pagbibi­gay ng anim na ‘talbog na tseke.’

READ MORE:  Hustisya hayaang gumulong — Taguig

Sinabi ng biktimang si alyas Venny, inalok siya ni Asuncion na mamu­hunan sa isang construc­tion project.

Naengganyo umano ang biktima na mamu­hunan ng higit P1 milyon dahil sa alok ng suspek na buwanang kita na P20,000.

READ MORE:  63-anyos lola tinadtad ng tare ng manok

Dagdag ni alyas Venny, maibabalik umano ang ipinuhunan niya sa loob ng anim na buwan.

Lumipas ang ilang buwan, wala umanong bumalik na pera sa biktima.

“Ang pangako niya maganda…nakalulungkot na hindi kumita, nata­ngay pa niya ‘yung aking pera,” ani Venny. Naka­sarado na umano ang bank account ni Asuncion.

READ MORE:  Korupsiyon sa Camp Bagong Diwa ugat ng riot

Hinihikayat ng Oban­do police sa Bulacan na lumapit at maghabla ang mga posibleng nabiktima ni Asuncion.

Mahaharap si Asun­cion sa kasong paglabag sa bouncing checks law.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved