Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)
2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)

2 lola patay sa araro ng kotse (Sa Kennon Road)

DALAWANG lola ang namatay makaraan ararohin ng isang kotse habang nag-aabang ng pampasaherong jeep sa Kennon Road, Baguio City, bandang 6:00 ng umaga nitong Martes.

Ayon sa mga saksi sa insidente, naghihintay ng pampasaherong jeep sa gilid ng kalsada sina Rosaline Alberto, 61, at Sioning Pimiliw, 64, nang biglang sagasaan ng rumaragasang kotse.

Kasama ni Alberto ang kaniyang dalawang anak at dalawang apo, na nasugatan insidente.

Hindi nasaktan ang apat pasahero ng kotse.

Dinala ang mga sugatan sa ospital at ka­sa­lukuyang nagpapa­galing.

Base sa inisyal na imbestigasyon, posi­bleng nakatulog ang driver ng kotse, na maa­aring maharap sa rekla­mong reckless impru­dence resulting in homi­cide and physical injuries.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top