Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Pagkahibang’ ni Sharon kay Gong Yoo, effective para ‘di emotera
‘Pagkahibang’ ni Sharon kay Gong Yoo, effective para ‘di emotera

‘Pagkahibang’ ni Sharon kay Gong Yoo, effective para ‘di emotera

MAY bagong gimmick si Sharon Cuneta kaugnay ng “pagka­hibang” n’ya sa Korean idol na si Gong Yoo: nagpo-post siya sa Instagram n’ya ng pinag­sama n’yang litrato nila ng aktor.

May nakapagturo yata sa kanya kung paano pagsamahin sa isang lugar, o pagtabihin, ang dalawang tao na magkahiwalay at maaaring ni hindi magkakilala. Kaya, hayun, post siya nang post ng litrato nilang magkasama.

‘Yung unang ipinost n’ya ay may lovers’ quarrel daw sila kaya medyo magkatalikuran sila sa litrato. ‘Yung pangalawa naman ay magkatabi na sila dahil ‘di na siya nakatiis na pahirapan ang kaguwapuhan ni Gong Yoo. Parehong Eifel Tower sa Paris ang background  ng dalawang pics.

READ MORE:  Coco Martin, bagong Santa Claus ng showbiz

Nakatutuwa rin naman ang pagiging playful ng megastar. In fact, very admirable pa nga. Being playful means she’s feeling young despite having a daughter like KC Concepcion who will be 40 years old in a few years. To look young, one should feel young. That’s an effective but inexpensive way to stay young.

READ MORE:  Coco, parang FPJ na rin magsalita

Suwerte rin naman ni Sharon na hindi insecure ang husband n’yang senador, kaya okey lang kay Sen. Kiko Pangilinan na ipamalita talaga ng misis n’ya na crush nito si Gong Yoo.

May mga tao nga na mas natutuwa kay Sharon ‘pag nagluluka-lokahan siya over Gong Yoo kaysa ‘pag nag-e-emote siya tungkol sa kung ano-ano lang naman. “Emotera Queen” na nga ang “lihim” na tawag sa kanya ng ilan. Eh kasi nga may panahon na araw-araw ay nag-e-emote siya.

READ MORE:  Ikaw Lamang at Dyesebel, patuloy na nagte-trending

Kamakailan, ang in-emote n’ya ay tungkol sa pagiging ‘di na gaanong malapit sa kanya ng panganay n’yang anak na si KC.

Well, after all, halos magpo-40 years old na si KC at matagal na rin ngang nagso -solo living sa sarili n’yang condo unit.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved