Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pag-alis sa Kuwait total deployment ban epektibo agad
Pag-alis sa Kuwait total deployment ban epektibo agad

Pag-alis sa Kuwait total deployment ban epektibo agad

PINIRMAHAN ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes ang kautusang pormal na nag-aalis sa total deployment ban ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.

Sinabi ni Bello na agad magiging epektibo ang kautusan.

Kasunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerko­les, 16 Mayo, na alisin na ang deployment ban, na ipinataw  noong Pebrero bunsod ng serye ng mga ulat hinggil sa mga pang-aabuso at pagkamatay ng overseas Filipino workers (OFWs) sa naturang Gulf state.

Ayon kay Bello, nasa 5,000 Filipino ang may nakahandang mga do­kumento para makalipad at makapagtrabaho sa Kuwait.

Habang 15,000 ang kasalukuyang ipino­proseso pa ang kanilang mga dokumento.

Iniutos ni Duterte ang pag-alis sa deployment ban matapos irekomenda ni special envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.

Ipinaliwanag ni Mama-o na inirekomenda niya ang pagbawi sa deployment ban dahil sa nakitang “sincerity” at “commitment” mula sa mga opisyal ng Kuwait.

“I had seen the sincerity and commit­ment of the leaders of the State of Kuwait to protect and enforce strictly the terms of the memoran­dum of agreement that was signed by our government and the state of Kuwait,” sabi ni Mama-o.

Noong Biyernes, 11 Mayo  ay nilagdaan ng mga gobyerno ng Filipi­nas at Kuwait ang isang kasunduang naglalayong bigyan ng proteksiyon ang mga OFW sa Kuwait.

Isa ito sa mga kon­disyong inilatag ng pa­ngulo para alisin ang ban, bukod sa paghahanap ng hustisya para kay Joanna Demafelis, isang house­hold service worker na natagpuan ang bangkay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.

Sa unang pagdinig ng kaso ni Demafelis noong nakaraang buwan, senen­tensiyahan agad ng bitay ang mag-asawang sus­pek.

Bago iutos ng pangulo ang tuluyang pagbawi sa ban, una nang binawi ang deployment ban nitong Martes, 15 Mayo, sa skilled at semi-skilled workers na patungong Kuwait.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved