Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mahigpit na paalala sa mga botante 
Mahigpit na paalala sa mga botante 

Mahigpit na paalala sa mga botante 

NGAYONG araw ay huhugos tayong lahat sa mga nakatakdang poll precinct na naroroon ang mga pangalan natin para iboto ang Barangay officials at Sangguniang Kabataan. 

Paalala lang po — kinabukasan ng bawat barangay  ninyo ang nakasalalay sa eleksiyong ito — lagyan po ninyo ng konsensiya ang inyong boto. 

Dapat ay alam ninyo kung ang mga iboboto ninyo ay hindi sangkot sa kahit anong uri ng kailegalan, lalo na sa ilegal na droga. 

Kapitbahay o kalugar ninyo sila, kaya kayo ang higit na nakakikilala sa kanila. 

Sa Barangay South Signal Village sa Taguig City, isang text ang natanggap natin, isang retired gov’t official ang sangkot umano sa ilegal na droga na ngayon ay tumatakbong cabeza de barangay. 

Kilala ba ninyo mga suking taga-Signal diyan sa Taguig kung sino siya?! 

Aba kung sangkot sa ilegal na droga, kayo lang mismo ang puwedeng pumutol sa pamamagitan ng pagbasura sa kanyang kandidatura?! 

Kilos lang ninyo ang puwedeng maglantad ng katotohanan na bistado na ninyong sangkot sila sa ilegal na gawain. 

Kung gusto ninyo ng payapang komunidad, ibasura ang mga ilegalista! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS
READ MORE:  Paumanhin sa AKRHO

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved