Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 11 pulis ipinatapon sa Mindanao (Bashers ni Albayalde)
11 pulis ipinatapon sa Mindanao (Bashers ni Albayalde)

11 pulis ipinatapon sa Mindanao (Bashers ni Albayalde)

INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang pagtatalaga sa 11 police personnel na nag-bash sa kanya sa social media, sa Mindanao.

Sinabi ni PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, ang utos ni Albayalde ay epektibo kahapon, 9 Mayo.

READ MORE:  Grade 5 pupil sa Bataan namatay sa severe dengue (Naturukan ng Dengvaxia)

Ang 11 police personnel na ipinatawag ng Office of the Chief PNP, ay itatalaga sa Police Regional Office – Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon kay Bulalacao.

READ MORE:  195 PNP personnel positibo sa drug test

Nauna rito, sinabi ni Albayalde, ang 11 pulis na nag-bash sa kanya sa social media ay sasampahan ng kasong “conduct unbecoming of an offi-cer.”

Ang dalawang pulis na hindi nagpakita sa tanggapan ng PNP chief, ay mahaharap sa karagdagang kaso dahil sa “disobedience” kapag muling nabigong mag-report sa opisyal.

READ MORE:  Iniwan ng Pinay GF Dutch nat’l nagbigti

Samantala, 24 iba pang mga pulis na hinihinalang nag-bash din sa PNP chief, ang ipa-tatawag din sa linggong ito.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved