Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Elmo, tinutukoy na soulmate ni Janella?
Elmo, tinutukoy na soulmate ni Janella?

Elmo, tinutukoy na soulmate ni Janella?

NAKIUSAP si Janella Salvador na huwag munang pag-usapan ang tinutukoy niyang “soulmate” sa presscon ng bago niyang pelikula under Regal Films, ang So Connected katambal ang Hashtag member na si Jameson Blake at mapapanood na sa May 23 mula sa mahusay na direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

READ MORE:  Carlo sa posibilidad na maging sila muli ni Angelica: Walang imposible

Naiintindihan naman ng mga naimbitahang press ang pakiusap ni Janella dahil imbes nga naman na mas pag-usapan ang movie nila ni Jameson ay baka masentro ang publicity sa kanyang lovelife. Lalo na’t alam naman ng marami na si Elmo Magalona ang lalaking itinuturong malapit na malapit sa dalaga.

READ MORE:  Pagkadiri ni Mocha sa kalaswaan, ilusyon lang ba?

Bukod pa nga sa awkward na pag-usapan ang kanyang lovelife sa harap ni Jameson na siyang kapareha sa said film, naniniwala naman ang singer/actress sa soulmate.

“Ako, I believe in soulmate. It doesn’t necessarily have to be romantic naman. Sabihin ko sa inyo kapag nahanap ko na ang soul mate ko. Sana siya na… sana.”

Makakasama rin dito nina Janella at Jameson sina Ruby Rodriguez, Rolando Inocencio, Cherise Castro, Krystal Brimner, Paulo Angeles, VJ Mendoza, Chai Fonacier, at Rafael Suduyan.

READ MORE:  Erich, nakipaghiwalay sa non-showbiz BF para raw kay Daniel

(JOHN FONTANILLA)

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved