Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jameson, pinaringgan ni Direk Jun; ‘pagsabit,’ ‘di sadya
Jameson, pinaringgan ni Direk Jun; ‘pagsabit,’ ‘di sadya

Jameson, pinaringgan ni Direk Jun; ‘pagsabit,’ ‘di sadya

SI Jameson Blake pala ang pinaringgan ni Direk Jun Robles Lana sa kanyang IG account na may artistang humingi ng maagang cut-off dahil may raket pa.

Base sa IG ni direk Jun, “Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung puwedeng i-release agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila. 

“Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula. Kaso ganito kagarapal ang showbiz.

“Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon? Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraket lang? Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin.”

Inamin ni Jameson pagkatapos ng presscon ng pelikulang So Connected, produced ng Regal Films na siya ang tinutukoy ni direk Jun dahil maaga siyang nagpa-pack up sa pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wifi kasama si Sue Ramirez.

READ MORE:  Aiko, napika sa sitsit na ‘di sila magtatagal ng Iranian BF

“I had a show the next day. So we just talked about if I was able to leave early. But then, we understand kay Direk Jun, his side as a director of course, he wants his movie to be perfect.

“Siguro there was just, like, at that moment, misunderstanding lang. Like, for me, hindi naman ako actor na full time. My job as a Hashtag may mga raket din kami,” paliwanag ni Jameson.

READ MORE:  Andi, selos na selos sa babaeng nakahalikan ni Jake

May alam kaming impormasyon sa nangyaring ito na bago tinanggap nina Jameson at Sue ang pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wifi ay puno na ang schedules nila at dahil sila ang gustong maging bida sa pelikula ay ginawan ng paraan ng kanilang talent handlers.

Bagama’t tinanggap ni Jameson ang project niya kay direk Jun ay pinagbubuti naman niya ito pero hindi naiwasang hindi siya sumabit.

At sa pelikulang So Connected ay wala namang nabanggit sa amin si direk Jason Paul Laxamana nang makausap namin ng solo kung nali-late si Jameson.

Alam din naming mas naunang tinanggap ni Jameson ang So Connected kaysa Ang Babaeng Allergic sa Wifi.

Samantala, isang video editor sa isang web channel si Jameson na ang karakter ay si Karter na ninakawan ng cellphone at ibinenta kay Trisha (Janella Salvador).

READ MORE:  Girlfriend ni Jason Abalos na nasa PBB house hinalikan ni Daniel Matsunaga (Ano Ito???)

At dahil naka-connect ang cellphone ni Karter sa kanyang computer ay nakikita niya lahat ang ipino-post na litrato ni Trisha na walang kaalam-alam.

Naging interesado si Karter kay Trisha kaya naging So Connected ang titulo ng pelikulang idinirehe ni Laxamana at mapapanood na sa Mayo 23 handog ng Regal Films. Kasama rin sa pelikula sina Chai Fonacier, VJ Mendoza, Cherise Castro, Kystal Brimmer, at Paulo Angeles.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved