Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Iyak ni Sarah, ‘I feel empty’
Iyak ni Sarah, ‘I feel empty’

Iyak ni Sarah, ‘I feel empty’

Bakit I feel empty?” ‘Yan ang pahayag ni Sarah Geronimo bago siya nag-breakdown sa concert n’ya sa Las Vegas noong April 29, na nauwi sa pagtakbo n’ya sa backstage presumably para humagulgol.

May fans siya roon sa Las Vegas na agad nakapag-post sa You Tube at sa Instagram ng bahaging ‘yon ng concert ni Sarah sa Cannery Hotel & Casino.

Pero ayon sa ulat sa ABS-CBN news website, nakabalik din naman sa entablado si Sarah pagkatapos nang ilang minuto para tapusin ang signature song na Forever is not Enough na siya ring final song n’ya sa concert na ‘yon na ang titulo rin ay This 15 Me, gaya rin ng 15th anniversary show n’ya sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang linggo.

READ MORE:  Shooting ng movie nina Vice at Coco, sisimulan na

Nabalitaan naman agad ng boyfriend n’yang si Matteo Guidecelli ang nangyari kay Sarah kaya’t agad siyang nag-post sa Instagram n’ya ng mensaheng: “Keep walking, I’ll always be beside you. No matter what. I love you, my love. And I miss you.”

Heto ang buong pahayag ni Sarah tungkol sa “feeling empty” na sa Tagalog ay “pakiramdam na hungkag”:  ”And then I began asking myself bakit I feel emptyHindi ‘yung successful na shows or ‘yung hits ang makakapagkompleto sa ‘yo, ang makapagpapasaya sa ‘yo bilang isang tao kundi ‘yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago.

Lumuluha na siya sa puntong ito ng concert.

READ MORE:  Vhong, pinag-iingat

Samantala, maraming netizen fans ang sumusuporta sa kanya. Ang ilan ay ina-analyze ang nangyari sa kanya sa entablado na ‘yon sa Las Vegas.

“Sarah is melting down on stage and everyone was laughing. Sobrang pressured na from Divine, Delfin (mga magulang ni Sarah) and Vic (del Rosario, big boss ng Viva Entertainment at manager ni Sarah) 15 years nonstop working. Milyones na ang iniakyat sa Viva and parents nya. She’s what? 28, 29 ? This girl needs a break,” lahad ng netizen fan na si Larry Sales.

Tao lang si Sarah,” pahayag naman ni Robert Macalindong. “Nakakaramdam ng pagod, di naman siya robot. Kakainis lang yung tawa ng tawa na sana nakikinig na lang siya.”

READ MORE:  Lea, pinagsabihan ang mga elite Theatre goer

Isa nga pala si Mark Bautista sa guests ni Sarah sa concert na ‘yon, at nag-post siya sa Instagram n’ya ng litrato ni Sarah na umaawit sa entablao na nilagyan n’ya ng malaking caption na: “Sleepless but successful!”

Hindi naman siguro ‘di pa natutulog si Sarah bago siya nag-concert. Baka kulang na kulang lang talaga siya sa tulog.

Wala pang pang pahayag ang Viva Entertainment kung ano na ang kalagayan ni Sarah ngayon at kung babaguhin ba ang schedule ng mga show ni Sarah para makapagpahinga muna siya at makabawi ng tulog.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved