Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angeline, pinagbantaan ang buhay, ‘pabebe si Sarah’ ikinakabit
Angeline, pinagbantaan ang buhay, ‘pabebe si Sarah’ ikinakabit

Angeline, pinagbantaan ang buhay, ‘pabebe si Sarah’ ikinakabit

KAHAPON ng hapon ay nagtungo ang singer na si Angeline Quinto kasama ang kaibigang si Kate Valenzuela sa Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City para magsampa ng kasong Cyberbullying at Threat laban sa Twitter user na Music Movie and Arts @Mico 1617 dahil pinagbantaan ang buhay niya bukod pa sa minura siya kasama ang magulang niya.

Ang nabasa naming banta ni Mico1617, “ipapatumba ko kayo mga gago.’ Patungkol ito kay Angeline at isa pang singer na si Morissette Amon.

Kayang palampasin ni Angeline ito dahil hindi naman bago sa kanya na bina-bash siya, pero ang pagbantaan ang buhay at murahin ang mga taong mahal niya ay ibang usapan na.

READ MORE:  Nora, ‘di raw tinanggihan ang Oro; tinanggal nga ba?

Nagsimula ang pagmumura nitong Mico1617 kina Angeline at Morissette dahil sa video na lumabas daw na pinagtatawanan nila siSarah Geronimo nang mag-iiyak sa nakaraang Las Vegas show at naringgan pang nagsabi ang dalawang singers ng, ’pabebe si Sarah.’

Hindi kami makapaniwala na miyembro ng Popster itong si Mico1617 o baka nagpapanggap lang dahil marami naman kaming kilala at nakakausap na supporters ni Sarah na pawang mababait at magagalang pa. Sa katunayan, kasamahan pa namin sa trabaho ang iba.

READ MORE:  Richard, napakakinis at napakalinis ng kuko

Kaya nagulat kami sa naging takbo ng usapan sa thread nitong Mico 1617 na hindi na aktibo ang account niya kahapon, bahag naman pala ang buntot mo hijo nang malaman mo sigurong ipina-blotter ka na at inireport ka na sa PNP.

Samantala, nakiusap naman si Angeline sa Popster na ilabas ang video na sinasabi nilang nakunan sila.

“Popsters, napakalaki ng respeto ko kay Sarah Geronimo. Napakalaki ng respeto ko sa supporters niya, nakikiusap ako, ilabas ninyo ang video, iharap ninyo sa akin ang taong sinasabi ninyo na staff ng ABS-CBN. Nakikiusap ako sa inyo Popsters, ngayon lang ako nakikiusap sa inyo,” post ni Angeline.

READ MORE:  Maja Salvador pahinga muna sa lovelife

Naawa kami sa sinabi ni Angeline dahil personal namin siyang kilala at kahit na may pagka-taklesa siya ay ni minsan hindi siya nagsasalita ng hindi maganda sa kapwa niya dahil lagi niyang iniisip ang pinagmulan niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved