Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lolong nagsiga nasunog sa kakahuyan
Lolong nagsiga nasunog sa kakahuyan

Lolong nagsiga nasunog sa kakahuyan

BATAC CITY – Patay nang matagpuan ang isang 74-anyos lolo na hinihinalang nadamay sa kanyang sinusunog sa isang kakahuyan sa Brgy. Payao sa lungsod ng Batac, nitong Martes.

Sa pagsusuri, nakitang nasunog ang ilang bahagi ng katawan ng biktima.

Sa imbestigasyon, nadamay ang biktima nang lumaki at kumalat ang apoy nang magsiga siya sa kakahuyan.

“Ayon doon sa isang kamag-anak, may hawak umanong posporo at kahoy. Between 1 to 2 pm, baka nagsiga lang at posibleng na-trap,” ani Fire S/Insp. Eddie Tabuna, fire marshal ng Batac City.

Posible rin umanong nataranta ang biktima nang tangkain niyang apulahin ang apoy.

Tinatayang isang ektaryang kakahuyan ang nasunog pero wala nang iba pang nadamay sa sunog.

Samantala, walang nakikitang foul play ang mga awtoridad sa pag­ka­matay ni Mata.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved