Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / FAMAS Awards Gabi ng Parangal sa Hunyo 10 na
FAMAS Awards Gabi ng Parangal sa Hunyo 10 na

FAMAS Awards Gabi ng Parangal sa Hunyo 10 na

GAGANAPIN na ang 66th FAMAS Awards Gabi ng Parangal sa Hunyo 10, Linggo sa The Theatre sa Solaire.

Itinatag noong 1952, ang FAMAS Awards ay handog ng Philippine Academy of Arts and Sciences ng Pilipinas at matagal nang itinuturing na isa sa mga pinaka-popular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Ang lahat ng mga pelikula na ginawa ng Pilipinas na ipinalabas noong 2017 ay  kailangang nagkaroon man lang ng isang araw na commercial screening para maging kuwalipikado para sa mga parangal sa taong ito.

READ MORE:  Kath, tapos na sa ‘pabebe’ acting, kaya ring makipagsabayan kay DJ

Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang: Picture, Director, Actress, Actor, Supporting Actress, Supporting Actor, Original Screenplay, Adapted Screenplay, Cinematography, Editing, Production Design, Music, Original Song, Sound at Special Effects.

Sa taong ito, magkakaroon din ng mga parangal sa Documentary at short films. Ang publiko ay makalalahok din sa pagpili ng Audience Choice Awards for Picture, Actor, at Actress.

READ MORE:  Signal o marketing ng TV5, may problema?

Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS Awards ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioners, academicians, at critics sa pamumuno ng award winning script at literary writer na si Ricky Lee.

READ MORE:  Bimby, magkakaroon na ng baby brother

Ang mga nominado ay ihahayag bukas, Mayo 3. Ang Megavision Integrated Resources Inc. ang producer ng ika-66 Famas Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer. Para sa mga katanungan magpadala lamang ng email sa  [email protected].

Ang FDCP ay ang official government partner ng 66th Famas Awards.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved