Friday , September 19 2025

Sa STL na tayo!

PATAAS nang pataas o kumikitang kabuhayan ang Small Town Lottery (STL) taliwas sa sinasabi noon ng isang notoryus na gambling lord kasabwat ang kanyang protektor na ang sabi’y, “STL is destined to fail!” Kasi gusto nilang hawakan ang operasyon ng STL nationwide, balik sa da­ing gawi ng mga nakaraang administrasyon.

Sa unang yugto pa lamang nitong taon – Enero hanggang Marso – tumabo na ang STL ng P6.1 bilyon! Ibig sabihin, mahigit P2 bilyon kada buwan na ang kita ng PCSO mula sa STL.

Tameme ngayon ang mga kritiko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lalo ang i­lang personalidad na may payola at patuloy na tumatanggap ng payola mula sa jueteng, masiao, swertres, pares, peryahan ng bayan at maging sa mga pergalan na may tinatawag na “color games.” Sa color games pa lang, hanggang P50,000 umano ang payola sa bawat talamak na personalidad, kasama ang mga tiwali sa media, sa Metro Manila pa lamang.

Sa mga nakikinabang ng payola mula sa ilegal na sugal, siyempre hindi sila masaya sa itinatakbo ng STL dahil kalaban nila ang palarong ito. Sa STL, wala silang payola dahil ang lahat ng kita ay deretso sa kaban ng bayan.

Sa kasalukuyan, mayroong 8i Authorized Agent Corporations (AACs) na aktibong naglalaro ng STL sa buong bansa. Dinagdagan ang bilang ng AAC matapos maupo si retired Marine Major General Alexander “Mandirigma” Balutan bilang general manager ng PCSO noong Setyembre 2016. Naging katuwang ni Balutan si dating PCSO chairman Jose Jorge Corpuz. Matapos ang mahigit isang taon, pumalit si Anselmo Simeon Pinili bilang bagong PCSO chairman.

Kung bakit patok ngayon ang STL ay dahil nirendahan ni Balutan ang impluwensiya ng ilang notoryus na gambling lord para kontrolin ang STL gaya ng kanilang ginawa sa dalawang nakaraang adminsitrasyon na hanggang 18 AAC lamang ang kanilang pinanatili upang hindi makakompetensiya sa nilalaruan nila ng ilegal na sugal gaya ng jueteng.

Siyanga pala, kasalukuyang nirerebisa ng PCSO Board ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng STL upang mas lalong mapagtibay ang sistema nito sa revenue collection. Hindi masamang balita na may sinisibak na AAC dahil sa hindi pagsusumite ng tamang engreso dahil may pumapasok na bagong manlalaro.

Ito ang kaabang-abang, posibleng talunin pa ng STL sa koleksiyon ang produktong Lotto kung titingnan natin ang koleksiyon ng mga laro nitong unang yugto na taon. Kung ang STL ay may P6.1B, ang Lotto ay P7.7B. Konti na lamang ang diperensiya.

Sabi nga ni Balutan, darating ang panahon na ang generic name ng numbers game sa bansa ay STL, hindi na jueteng, swertres, masiao, at pares dahil ang mga dating gambling lord ay naglelegal na, nakikinig sa panawagan ni Pangulong Duterte na tigilan na ang ilegal at korupsiyon bagkus tulungan ang PCSO na palaguin ang kita mula sa STL at sa iba pang produkto nito gaya ng Lotto, Keno, Digit Games, at Sweepstakes.

Ang lahat ng kita ng PCSO ay dito napupunta: 55% para sa prize fund o papremyo, 15% para sa operating fund, at 30% para sa charity fund.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Florante Solmerin

Check Also

Firing Line Robert Roque

Hustisya para sa mga Pinoy, bago pa may lumuha ng dugo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Sa iba’t ibang dako ng Asya, hindi na mapigilan …

Sipat Mat Vicencio

Ongchuan, Daza at ang political dynasty sa Northern Samar (Part 2)

SIPATni Mat Vicencio “THE Philippine Constitution, specifically Article II, Section 26, prohibits political dynasties by …

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *