Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 61-anyos laborer natagpuang patay
61-anyos laborer natagpuang patay

61-anyos laborer natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang isang 61-anyos construction worker sa tabi ng creek sa Makati City, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ernesto Tinio Bihay, residente sa Marylus at M. Dela Cruz streets, Pasay City.

Ayon sa ulat ng Makati City Police, natagpuan ang biktima ng isang concerned citizen sa tabi ng isang creek sa panulukan ng Batangas at Valderama streets, Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod, dakong 5:45 ng umaga.

Agad ipinagbigay-alam sa tanggapan ng Police Community Precinct 3 ng Makati City Police ang natagpuang bangkay ng biktima na kinilala ng kanyang kapatid na si Emelyn Bihay Fernandez, 30-anyos.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng biktima. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved