Thursday , April 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aga, wise na sa pamimili ng pelikula
Aga, wise na sa pamimili ng pelikula

Aga, wise na sa pamimili ng pelikula

WALA tayong kamalay-malay, nakapagsimula na pala ng bagong pelikula si Aga Muhlach, at makakatambal niya si Alice Dixon, at sa Greenland ang shooting ng kanilang pelikula. May mga iba pang offers noon kay Aga na tinanggihan niya dahil sinabi niyang hindi pa siya handa.

Iyang si Aga, sa buong panahon niya sa showbusiness ay naging wise sa pamimili ng kanyang mga gagawing pelikula. Nakagawa rin siya ng mga pelikulang hindi masyadong kumita, pero sa mga iyon naman niya napatunayan ang kanyang kahusayan bilang isang actor.

Ang sinasabi nga kasi ni Aga, iyang pag-gawa ng pelikula ay hindi lamang para kumita. Kasi hindi lang isang pelikula ang iniisip mo. Sa bawat gagawin mo, nakataya ang buo mong career bilang actor. Kaya hindi mo siya masisisi, kung tagilid ang project, natural lang na tanggihan niya iyan.

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top