Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jeric, ‘di big deal ang pagsuporta kina Bianca at Miguel
Jeric, ‘di big deal ang pagsuporta kina Bianca at Miguel

Jeric, ‘di big deal ang pagsuporta kina Bianca at Miguel

WALANG kaso kay Jeric Gonzales kahit naging support lamang siya kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kahit na nga ba nagbibida na siya sa mga nakaraang serye ng GMA.

“Oo naman, oo naman! Walang problema kasi ano eh, dumadaan naman talaga sa artista na ano, ke support, ke bida or kahit anong role ‘yan, basta binigyan ka ng role kailangan talaga gawin mo and ibigay mo ‘yung best mo.”

Endorser ng Boardwalk si Jeric at kung sakaling may fashion show na kakailanganin siyang rumampa ng naka-underwear ay payag siya.

READ MORE:  Pagiging no. 1 loveteam ng KathNiel, naibalik dahil sa Barcelona

“Oo naman. Kaya ko pero may limitation siguro.

“Mas gusto ko ‘yung ginawa ni Ruru, ni Derrick, na iyon lang, topless.”

Nakahubad ng pang-itaas pero nakapantalon na rumampa sina Ruru Madrid at Derrick Monasterio sa isang fashion show kamakailan.

READ MORE:  Gary V., bukod-tanging Pinoy singer na nakakakanta ng Spain ni Al Jarraeu

Hindi niya kayang magsuot ng thong habang rumarampa na tulad ng ginawa ni Rocco Nacino.

“Hindi siguro, hindi.”

Parehong walang karelasyon sina Jeric at Thea Tolentino, hindi kaya sa huli ay sila rin pala ang magiging magkasintahan?

“Well hindi natin masasabi, siyempre, mahirap magsalita ng tapos eh,” umpisang pahayag ni Jeric.

Sa kabila ng madalas na pagkaka-link nila ay hindi sila nagkaroon ng relasyon.

READ MORE:  Ate Guy, ayaw nang magpatawag ng Superstar

Nagkikita ba sila ni Thea lately?

“Nagkikita, nagte-text, ganoon.”

Lumalabas rin naman sila pero paminsan-minsan lang.

“Kasi busy, eh. So ganoon lang, kumustahan, and in touch naman kami.”

Mapapanood si Jeric sa Sabado sa episode ng Magpakailanman na Our Crazy Love kapareha si Pauline Mendoza.

Ang Magpakailanman ng GMA ay hosted ni Ms. Mel Tiangco.

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved