Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Jeep nabundol ng SUV, tumaob (8 sugatan)
Jeep nabundol ng SUV, tumaob (8 sugatan)

Jeep nabundol ng SUV, tumaob (8 sugatan)

BUMALIKTAD ang isang pampasaherong jeep makaraan itong tumbukin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Bukod sa jeep na may sakay na pitong pasahero, sinabing una nang nabangga ng SUV ang isang bisikleta sa parking lot ng Diliman Preparatory School, batay sa imbestigasyon ng pulisya.

READ MORE:  Bus nahulog mula flyover, 26 sugatan (Sa Alabang, Muntinlupa)
READ MORE:  Ebidensiya vs Ebdane malakas — Deloso (Sa iregularidad sa mining permit)

Agad isinugod sa East Avenue Hospital ang mga nasaktang pasahero ng jeep, gayondin ang sakay ng nabanggang bisikleta.

Giit ng driver ng SUV, mabagal lang ang patakbo niya ng sasakyan, ngunit taliwas dito ang sinabi ng mga nakasaksi.

READ MORE:  3,600 tserman, 6,000 pulis sa narco-list

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved