Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga
Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga

Koreano, misis tiklo sa buy-bust sa Pampanga

NADAKIP ng mga pulis ang isang South Korean national at kaniyang Filipina wife sa isinagawang buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga, kamakalawa.

Ayon sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Jake Lee, 36, at Joy Ann Casuparan, 18, mga residente sa Brgy. Balibago, Angeles City.

Sinabi ni Supt. Ruel Cagape, hepe ng Mabalacat Police, inaresto ang mag-asawa makaraan ang isinagawang surveillance operation.

Aniya, si Lee ay nagbebenta ng droga sa kababayan niyang mga Koreano, at ilang residente sa mga bayan ng Angeles City at Mabalacat.

Dagdag ni Cagape, palipat-lipat ng tirahan ang mag-asawa upang iwasan ang tumutugis na mga pulis.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang apat plastic sachet ng shabu.

Sinabi ni Cagape, sila ay nakikipag-coordinate na sa South Korean Embassy upang mabatid kung si Lee ay nahaharap sa kaso sa kanyang sariling bansa.

Si Lee at ang kaniyang asawa ay nahaharap kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top