Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / COMELEC checkpoint ‘wag sanang gawing pampapogi at raket ng ilang PNP officials
COMELEC checkpoint ‘wag sanang gawing pampapogi at raket ng ilang PNP officials

COMELEC checkpoint ‘wag sanang gawing pampapogi at raket ng ilang PNP officials

ALAM nating mabuti ang layunin ng checkpoint na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec) tuwing eleksiyon.

Bahagi ito ng pagpapatupad ng mahigpit na seguridad para sa malinis at maayos na eleksiyon.

Para matiyak na napapangalagaan ang kapakanan ng mga botante at protektado ang sagradong boto.

Pero ang ikinalulungkot natin dito, mayroong ilang PNP officials na ginagamit na pampapogi ang checkpoint.

Pupuwesto kunwari sa checkpoint sabay pa-video. E bakit kapag walang eleksiyon, walang checkpoint?!

Nagbabago ba ang panahon sa Metro Manila kapag may eleksiyon at walang eleksiyon?!

READ MORE:  Mga bagman at 1602 cops kalat pa rin sa Maynila (Attn: MPD DD Gen. Rolando Asuncion)

Ang ikinaiigi lang kapag may checkpoint, naoobliga ang mga pulis na ‘tago nang tago’ na lumutang.

Hindi naman kasi puwedeng nagpapa-checkpoint ang isang police district tapos lahat ng pulis niya nasa labas, wala nang natira sa headquarters, sa estasyon o sa PCP.

At dahil ‘nagkukulang’ ang mga pulis, naoobligang lumutang ang mga ‘lubog’ o ‘pribilehiyadong’ pulis dahil kung hindi tiyak na mapuputukan ang mga hepe nila.

Korek na may malaking tsek! Tanging hepe lang ang may kontrol sa mga lubog na pulis. Mahirap sila hanapin kapag kailangan ng reinforcement pero kapag malalagay sa bingit ng alanganin ang mga hepe nila biglang magsisilutanagan.

READ MORE:  High School dropout dumami sa K-12 Program

Ang nakatatawa rito, hindi lang mga ‘lubog’ o ‘pribilehiyadong’ pulis ang lumulutang kapag may checkpoint, pati mga hepe, district director at iba pang police official na gustong umepal.

Pagkatapos makuhaan ng camera man at ng ibang taga-media, bigla rin nawawala ang mga opisyal at mga pulis sa checkpoint.

Kung ang ultimong layunin ng Comelec ay malinis, maayos at payapang eleksiyon, ang mga lespu naman lalo ang mga opisyal ay ‘papogi’ lang.

READ MORE:  2 opisyal ng MPD nagbangayan ‘timbre’ sa ghost cops!? (Attn: SILG Mel Senen Sarmiento)

Ang medyo nakatatakot pa, ginagamit sa pananakot at pangingikil ang checkpoint lalo na kung ang mga nasisitang motorista ay may pro­blema sa papeles at asal sa pagmamaneho.

Simple lang ang punto natin, gampanan nang maayos ng pulisya ang Comelec checkpoint. Huwag gamitin sa pangingikil at huwag gamitin sa pagpapapogi.

Ayaw ni incoming PNP chief, General Oscar Albayalde nang ganyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved