Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, talamak pa rin sa pagtsotsongki
Aktor, talamak pa rin sa pagtsotsongki

Aktor, talamak pa rin sa pagtsotsongki

WALANG lugar na hindi sinusumpong ang aktor na ito ng kanyang bisyong minsan nang nagpahamak sa kanya.

Ayon sa tsika ng aming source, minsan daw ay napadpad ito sa isang lalawigang pasyalan ng mga local tourist. Dinarayo kasi roon ang malawak na dagat.

“Huling-huli ko talaga ‘yung aktor na ‘yon na idol ko pa mandin, may baon siyang sandamkmak na tsongki (marijuana) at doon siya sa loob ng sasakyan niya ‘yon tinitira!”

READ MORE:  Orlando Sol, hahataw ang showbiz career ngayong 2018!

Pero in fairness sa male celebrity na ‘yon ay kuntento na raw ito sa paghitit ng damo. Hindi raw niya ito pinapartneran ng alak, ‘di tulad ng karaniwang nagbibisyo, “Kaso, para pa lang pugon kung magtsongki siya. Akala ko nga, eh, may bonfire o may nagsisiga malapit sa beach. Pero kahit open air pa ‘yon, amoy na amoy pa rin ‘yung usok!”

In fairness din daw, hindi naghahanap ng basag-ulo ang mahusay pa manding actor, “Basta solved na siya sa ganoon. Tahimik naman.”

Da who ang tinutukoy niyang actor na talamak umano sa pagtsotsongki? Itango na lang natin siya sa alyas na Martin Perfecto.

READ MORE:  Imee, ayaw pang tantanan sa kanilang kasalanan sa Martial Law
READ MORE:  Sharon Cuneta nakalikom ng P24-M para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda (Malakas pa rin ang karisma sa televiewers! )

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved