Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sentensiya ipinasusuri ni Duterte
Sentensiya ipinasusuri ni Duterte

Sentensiya ipinasusuri ni Duterte

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) na suriin ang ulat na hinatulan na ng korte sa Kuwait ng parusang bitay ang mag-asawang Lebanese at Syrian na suspek sa pagpatay sa OFW na si Joana Demafelis.

Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, ang atas ng Pangulo ay para matiyak na totoo ang balita lalo’t hindi naman nakakulong sa Kuwait ang mga suspek na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.

READ MORE:  3-anyos paslit patay sa baliw na amok, suspek tigok sa kuyog

Ikatutuwa aniya ng Palasyo kung totoo ang balita dahil nangako sila sa mga kaanak ni Demafelis na bibigyan ng hustisya ang OFW na isinilid sa freezer ang bangkay nang halos isang taon.

READ MORE:  4-anyos totoy tinurbo ng 14-anyos pinsan

Dagdag ni Guevarra, hindi lang ang Pangulo ang matutuwa kundi maging ang taong bayan na mahatulan ng bitay ang mga employer ni Demafelis.

Isa rin aniya sa mga tinitingnan ng pamahalaan ng Filipinas ang extradition treaty sa pagitan ng Kuwait, Lebanon at Syria para makuha ang mga suspek at maparusahan ng bitay sa Kuwait.

READ MORE:  Chiz binatikos si Tatad sa pambu-bully (Sa petisyon laban sa TV ad ni Poe)

Matatandaan, hinatulan ng bitay “in absentia” ng Kuwaiti criminal court ang mag-asawang Assaf at Hassoun.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved