Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Motorsiklo sumalpok sa pader, driver patay
Motorsiklo sumalpok sa pader, driver patay

Motorsiklo sumalpok sa pader, driver patay

PATAY ang isang lalaki maka­raan sumalpok sa pader ang minamaneho niyang motorsiklo sa Muntinlupa City, kahapon.

Agad binawian ng buhay sanhi ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Justine John Zuñiga, 23, residente sa Espelita St., Pantalan, Brgy. Poblacion ng lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Muntinlupa City Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong 3:00 am sa Northbound lane ng Arandia St., sa harap ng Servite School sa Brgy. Tunasan.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang Rusi SC 125 Gala motorcycle Matte Grey (for registration), at binabaybay ang naturang lugar, nang mawalan ng preno kaya sumalpok sa pader.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved