Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anna, wish makagawa ng Maalaala Mo Kaya episode
Anna, wish makagawa ng Maalaala Mo Kaya episode

Anna, wish makagawa ng Maalaala Mo Kaya episode

PINAKA-ATE si Anna Luna sa mga babaeng inilunsad bilang parte ng 2018 Star Magic Circle kamakailan.

Bago pa man ipakilala si Anna, kilalang indie actress na ito at produkto ng PETA. Ilan sa mga nagawa na niyang pelikula ay ang Paglipay ni Zig Culay at Maestra ni Lemuel Lorca.

Umani na rin siya ng award tulad ng Best Actress para sa pelikulang Maestra mula sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.

READ MORE:  Marian at Solenn, pinagkaguluhan sa Ginuman Fest sa Tondo

Suki rin ng mga Star Cinema movie si Anna tulad ng Breakup Playlist, How to be Yours, at Dear Other Self.

Isa rin sa pinag-usapang performance niya ay ang role sa Changing Partners kaya naman dito siya napansin ni Mr. Johnny Manahan.

Ani Anna, bagamat marami na siyang nagawang pelikula at nakatanggap na ng award, wish niyang makagawa ng isang Maalaala Mo Kaya episode.

READ MORE:  Aktres, ‘di raw pinababayaan, pero ‘tae-tae’ naman ang proyektong ibinibigay

Pinakabata naman sa grupo sina Daniela Stranner at Chantal Videla. Kapwa 15 taong gulang silang dalawa.

Si Daniela ay isang Filipino-German na nagmula sa Pampanga. Nadiskubre siya sa isang music festival at agad ipinakilala kay Mr. M.

Sumabak na sa mga series of workshop ang 5’5 football varsity player at excited siyang subukan ang acting. Isa sa gusto niyang gawin ay isang rom-com movie.

READ MORE:  Carlo sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica — Hindi naman ako nagsasara ng pintuan

Nag-umpisa naman bilang commercial model si Chantal noong 13 taong gulang siya. Pangarap niyang maging isang artista kaya nagpursige na mag-audition sa Star magic.

Idolo ng Filipino-Argentinian na si Chantal si Liza Soberano at isa sa gusto niyang gawin ay romantic comedy movie o isang light drama sa telebisyon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved