Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, turn-off sa aktres kaya hindi na niligawan
Aktor, turn-off sa aktres kaya hindi na niligawan

Aktor, turn-off sa aktres kaya hindi na niligawan

SOBRANG na-turn off ang aktor sa aktres na plano niyang ligawan dahil nakita niya ang tunay nitong ugali na maldita.

Okay naman ang samahan nina aktor at aktres noong magkasama pa sila sa isang serye at hanggang matapos ay lumalabas-labas pa rin sila, pero biglang naputol na ang kanilang pagkikita na ikinataka ng mga kaibigan nila.

READ MORE:  Direk Enzo, inilahad ang mga artistang nag-escort

‘Yun pala, nalaman ni aktor ang ugali ni aktres at na-experience rin niya noong minsang mawala sa wisyo ang dalaga dahil sa bagay na hindi niya kontrolado.

“Alam mo naman si (aktor), masyadong mapili kasi conscious siya sa career niya at gusto niya ‘yung next girlfriend niya, perfect. Eh, hindi pala sila swak. At saka si (aktres), hindi pa rin seryoso kay aktor,” kuwento ng aming source.

READ MORE:  Wala po akong planong maging copycat — Cris to Cherie Gil

At ang kuwento naman ng schoolmate ng aktres, “naku si (aktres), mapanira ng relasyon ‘yan, kilalang-kilala ‘yan sa school namin kaya maraming galit d’yan.”

Sa kilalang exclusive school nag-aral ng high school ang aktres at kaibigan niya ang source namin na iniwan na rin siya dahil sa ugali niyang mapanira ng relasyon dahil nga wala kasing nagtatagal na boyfriend. (Reggee Bonoan)

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved