Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ryza, ‘di na dapat tumanggap ng kontrabida role
Ryza, ‘di na dapat tumanggap ng kontrabida role

Ryza, ‘di na dapat tumanggap ng kontrabida role

DAPAT sigurong huwag munang tumanggap ng kontrabida role si Ryza Cenon para hindi maapektuhan ang pelikulang siya mismo ang bida.

Ito ang napagkuwentuhan ng kilalang broadsheet entertainment editor at movie producer at direktor din.

Sa isang presscon ng pelikula ay magkakasama kami sa lamesa at napag-usapan ang serye ni Ryza na Ika-6 na Utos na ang sama-sama ng papel ng aktres.

READ MORE:  Alden, kinailangang isakay sa ambulansiya para makalabas ng Star Mall (Dahil sa sobrang dami ng tao)

Hirit ng entertainment editor, “you know what, itong si Ryza Cenon hindi kikita mga pelikula niya hangga’t napapanood siyang kontrabida sa teleserye. Nakaka-apekto kasi ‘yun sa image niya. Kaya kung gusto niyang kumita ang movies niya, huwag siyang mag-kontrabida. Look what happened sa ‘Mr. and Mrs. Cruz’ niya, mahina kasi sabay pang umeere ‘yung serye niya sa GMA na puro patayan na gustong-gusto naman ng televiewers.”

Sagot naman ng movie producer at director din, “oo nga, ‘yan din ang naisip ko kasi ‘yung ‘Manananggal’ niya mahina rin.”

Katwiran ulit ng entertainment editor, “dapat may mag-advise rito kay Ryza. Sino ba ang manager niya? Tingnan ninyo ang mga artista ng ABS-CBN kapag bida sila sa movies, never silang naging kontrabida sa TV series nila. Roon magaling ang ABS sa artists nila.”

May point naman ang pahayag na ito ng entertainment editor.  Hayan Ryza Cenon sana makarating sa iyo ang nasulat naming ito.

READ MORE:  Angel, ‘nahihilig’ sa T-bird?
READ MORE:  ‘Gemini’ pasok sa MMFF 2014

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved