Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Imee sa Senado nakapondo na ang boto
Imee sa Senado nakapondo na ang boto

Imee sa Senado nakapondo na ang boto

SA nakaraang 15th Liga ng Mga Barangay-Cagayan Congress sa Clark, Pampanga, napabalitang humingi ng basbas si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga opisyal ng barangay sa Cagayan na suportahan sila, sakali mang may tumakbo sa kanilang pamilya sa national elections.

Pero dahil may nakahain pang protesta si dating senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) mas malamang na si Gov. Imee ang tumakbo sa Senado.

READ MORE:  Madam Arlene Lerma, ang ‘Napoles’ sa Judiciary at BFF ni Isko Moreno

Wala nang kuwestiyon kung mananalo o hindi si Gov. Imee. Alam naman nating lahat na naka-pondo na ang kanyang boto.

Baka nga maging topnotcher pa.

Sa mid-year elections sa 2019, magwawakas na rin ang termino ni Senator Juan Ponce Enrile, kilalang anak ng Cagayan — isang bahagi ng tinatawag na Solid North, ang base ng pamilya Marcos.

Bukod sa Cagayan, bahagi rin nito ang Ilocos, Cordillera, La Union at Pangasinan. E may Waray country pa at iba’t ibang organisasyon na kilalang loyalista ng angkan ni Apo. Huwag rin ka­limutan ang overseas Filipino workers (OFWs).

READ MORE:  Ninja ng PNP galing daw sa MPD?

Sabi nga, walang katulog-tulog ang kandidatura ng kahit na sinong Marcos.

Kaya kung hindi magdadalawang-isip si Gov. Imee na sumabak sa national elections — wala nang duda ang kanyang pagwawagi.

Pero siyempre, tiyak na sasakit din ang ulo niya sa mga grupong walang kasawa-sawa sa pagtutol na makapuwestong muli ang kanilang angkan.

READ MORE:  Bakit laging ‘in bad faith’ ang Meralco!?

Kaya sino ang maysabing hindi masaya ang midterm elections?!

Tiyak na maraming magsasaya rito!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved