Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Divorce Bill umiinit na sa Kongreso
Divorce Bill umiinit na sa Kongreso

Divorce Bill umiinit na sa Kongreso

MATINDI ang pagtutol ni party-list Rep. Lito Atienza sa pinag-uusapang Divorce Bill ngayon sa Kamara at sa Senado.

Ayon kay Rep. Lito Atienza, hindi siya papayag na magtagumpay ang Divorce Bill.

Gagawin niya ang lahat para hindi makapasa sa Kongreso ang Divorce Bill.

READ MORE:  Yolanda victims walang napakinabangan? Saan napunta ang relief goods at international aids? (Wala na ba talaga?!)

Ganoon din naman sina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Senator Sherwin Gatchalian.

Sabi nga ni Senator Sotto, ililibing nila sa Senado ang Divorce Bill.

Sa ganang atin, mas makabubuting makapasa sa Kongreso ang Divorce Bill.

Kung tutuusin mas makatutulong ito sa mga mag-asawang hindi na talaga magkasundo kaysa Anulment process na napakamahal na ubod pa nang tagal.

READ MORE:  Anti-political dynasty isinusulong sa Kyusi

Huwag sanang itali ng mga mambabatas sa kanilang mga personal na karanasan at personal na paniniwala ang Divorce Bill.

Kung maaprobahan ito, dapat na pabor sa interes ng mas malawak na mamamayan hindi sa interes ng mga mambabatas lamang.

READ MORE:  Disqualification case vs Erap, natulog na sa Korte Suprema?

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top