Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robin, nanulak ng banyaga nang itulak ang Pinay
Robin, nanulak ng banyaga nang itulak ang Pinay

Robin, nanulak ng banyaga nang itulak ang Pinay

NAKABIBILIB ang pagmamalasakit ni Robin Padilla sa kapwa n’ya Filipino: nakunan siya ng video noong itulak n’ya ang isang banyagang Puti na siningitan ang isang Pinay para maunang makapag-selfie na kasama ang aktor. Hinawi niyong foreigner, na inireport din na lasing, ang Pinay.

Inireport ito ng news website na Coconuts Manila noong February 26 (Lunes) bagama’t noong Linggo (Feb.25) pa nangyari ang insidente sa lobby ng isang hotel sa Hong Kong na tumuloy si Robin pagkatapos  dumalo sa isang rally ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong Central. (Si Robin ay kilalang supporter ng Pangulo.)

READ MORE:  Lance, mas bumata ang hitsura matapos mabagsakan ng barbell

May nakapag-video ng insidente at nag-upload niyon sa You Tube. As of March 2 ng umaga, may 101, 000 views na ang video.

READ MORE:  Kris, effective na endorser (Lumalakas ang mga restoring itinatampok)

Maririnig sa video ang malinaw, malakas, pero kalmado namang pagsasalita ni Robin sa banyaga, pagkatapos n’ya itong itulak, at sabihing, ”Don’t push her! Don’t do that to my countryman.”

Parang hindi naman lumaban ang foreigner. Pero biglang naputol ang video, kaya wala pang nakaaalam kung ano pa ang ibang nangyari pagkatapos itulak ng aktor ang banyaga.

READ MORE:  LA Santos, excited nang magtanghal kasama ang Halo

Binanggit ng Coconut Manila na nagmensahe na sila kay Robin para humingi ng mga detalye sa kanya tungkol sa insidente. Habang isinusulat namin ito, wala pa kaming na-monitor sa social media na sagot ni Robin.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved