Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ariel minamanmanan ni Sue sa “Hanggang Saan”; Arjo at kapwa abogado sanib-puwersa kay Nanay Sonya
Ariel minamanmanan ni Sue sa “Hanggang Saan”; Arjo at kapwa abogado sanib-puwersa kay Nanay Sonya

Ariel minamanmanan ni Sue sa “Hanggang Saan”; Arjo at kapwa abogado sanib-puwersa kay Nanay Sonya

DAHIL sa narinig na conversation ni Jacob (Ariel Rivera) at ng isang kausap, kinutuban agad si Anna (Sue Ramirez) na baka may kinalaman ang stepfather sa pagpatay sa kanyang daddy na si Edward Lamoste (Eric Quizon) na ibinibintang kay Nanay Sonya (Sylvia Sanchez) na patuloy na nagdurusa sa kulungan.

Ngayon ay nag-uumpisa nang manmanan at bantayan ni Anna ang lahat ng mga kilos ni Jacob, na once makompirma niyang sangkot sa krimen ay hindi magdadalawang-isip ang dalaga na isuplong sa mga pulis.

Kapag nagkataon ay malaking tulong ito kay Paco (Arjo Atayde) at sa mga kapwa abogado na sanib-puwersa para sa kaso ni Nanay Sonya. Sobrang nami-miss na ni Nanay Sonya ang dalawang anak kaya gusto na niyang makalaya upang sila ay makapiling. Umeere ang Hanggang Saan pagkatapos ng Asintado at nasa 16% pataas ang rating HS sa national, base sa survey ng Kantar Media.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved