Friday , September 19 2025
Jericho Cruz Kris Rosales Sidney Onwubere

Cruz sa TNT aprobado

BINASBASAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang trade na magtutulak kay Jericho Cruz patungong Talk ‘N Text mula sa Rain or Shine kahapon.

Ngunit para maisapinal ito ay kinailangan ng KaTropa na idagdag ang isa pa nilang guwardiya na si Kris Rosales sa naturang trade.

Bunsod nito, naidagdag si Rosales sa orihinal na trade package na sina rookie Sydney Onwubere at 2018 first round pick upang makuha ang star guard na si Cruz.

Magugunitang kamakai­lan ay ibinahagi ni Rain or Shine head coach Caloy Garcia na matagal nang hiling ni Cruz ang ma-trade at kung maaari ay sa NLEX upang makasama muli ang dating coach na si Yeng Guiao.

Bahagyang naisaktuparan ang kanyang hiling na mai-trade ngunit hindi sa NLEX kundi sa kapatid nitong koponan na TNT.

Gayonpaman, inaasa­hang magiging malaking tulong si Cruz sa kampo ng TNT na delikadong makapasok sa playoffs ngayong 2018 Philippine Cup.

Kasalukuyang nasa 4-6 ang kartada ng KaTropa matapos ang tatlong sunod na kabiguan. Nakakapit na lamang sila ngayon sa ikawalong puwesto at kinakailangan manalo kontra NLEX upang manati­ling buhay ang pag-asa.

Samantala, waring naka-jackpot ang Elasto Painters dahil tatlong manlalaro ang nakuha nito.

Hangad na mapatatag pa lalo ang puwesto sa ikaapat na ranggo bunsod ng 5-3 marka, magsisilbing dagdag na puwersa sa kanila ang rookie big man na si Onwubere gayondin ang kamador na si Rosales.

Bukod rito ay may tsansang makakuha ng malupit na pick ang Rain or Shine sa 2018 PBA Rookie Draft na puno ng talento dahil sa first round pick mula sa TNT.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alas Pilipinas FIBV

Alas Pilipinas gumulat sa Egypt sa makasaysayang panalo sa FIVB World Championship

IPINAHAYAG ng Alas Pilipinas ang kanilang pagdating sa pandaigdigang entablado matapos ang isang nakakakabog na …

Morally Jockey Alvarez grand slam Metro Turf Prince Cup

Morally, Jockey Alvarez, grand slam sa Metro Turf Prince Cup

BINALEWALA ng tatlong taon na kabayo na si Morally ang malakas na ulan at maputik …

Alas Pilipinas

Espejo, Bagunas, Alas Pilipinas target ang panalo kontra Egypt

DALA ang mas matataas na inaasahan matapos ang hindi magandang simula, inaasahang makakabawi ang Alas …

Alas Pilipinas Bryan Bagunas

Sa FIVB Volleyball Men’s World Championship
Egypt ‘di babalewalain ng Alas Pilipinas

HNDI babalewalain ng Egypt ang first-timer na Alas Pilipinas, naniniwalang may magandang koponan ang host …

2025 FIVB Mens Volleyball World Championhip

Presyo ng ticket sa laro ng volleyball binabaan

I-FLEXni Jun Nardo BINABAAN na ang halaga ng tickets para sa on-going 2025 FIVB Men’s Volleyball …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *