Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bong Go sa Senado tututukan ng Pangulo
Bong Go sa Senado tututukan ng Pangulo

Bong Go sa Senado tututukan ng Pangulo

INAASAHANG tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagharap sa Senado ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa Lunes kaugnay sa isyu ng P15.7-B Philippine Navy frigate project.

“I would think so. He would be very curious as to what will happen to that hearing. I’m sure it will be televised,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon sa Palasyo hinggil sa naturang Senate probe.

READ MORE:  Paglilinis sa Bilibid aabutin ng 2017 – BuCor

Bilang suporta aniya sa kapwa serbisyo-publiko, sasamahan ni Roque si Go sa pagdalo sa Senate hearing.

READ MORE:  Human Rights Champion durog sa cement mixer

Nauna rito, hiniling ni Duterte kay Go na tutulan ang anomang hakbang para idaos ang pagdinig sa executive session dahil may karapatan ang publiko na malaman ang buong katotohanan sa usapin.

Matatandaan, ina-kusahan si Go na nakialam sa frigate project contract lalo sa pagpili ng supplier sa combat ma-nagement system ng mga barko na itinanggi ng SAP kaya’t nagpas-yang magpunta sa pagdinig upang linisin ang kanyang pangalan.

READ MORE:  Duterte haharap sa ICC

Iginiit ng Palasyo, imposibleng manghimasok si Go sa kontrata dahil naikamada ito noong rehimeng Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved