Wednesday , September 17 2025

Basbas ni Esperon kailangan sa Phil Rise exploration

KAILANGAN kumuha ng permit ang mga dayuhang kompanya kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., bago makapagsagawa ng scientific research sa Benham / Philippine Rise.

Ito ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Ani Roque, lahat ng lisensiyang naipagkaloob para sa pagsasagawa ng scientific research sa Philippine Rise ay kanselado na.

“They are all cancelled. If they want to apply, they must, in addition, get the personal approval of the National Security Adviser,” ani Roque.

Nais aniya ng Pangulo na bigyan ng pra­yo­ridad ang mga Filipino na magsagawa ng research sa 13-milyong ektaryang underwater plateau sa silangang bahagi ng Luzon.

“It’s not really a ban,” giit niya.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Alan Peter Cayetano E-Governance Law

E-Governance Law na isinulong ni Cayetano, susi sa mas pinahusay na serbisyong publiko sa bansa

INAASAHANG magkakaroon ng isang digital revolution ang Pilipinas sa pagsasabatas ng E-Governance Law (Republic Act …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *