Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2-anyos paslit natupok sa sunog (Sa Kamuning)
2-anyos paslit natupok sa sunog (Sa Kamuning)

2-anyos paslit natupok sa sunog (Sa Kamuning)

HALOS hindi na makilala ang bangkay ng 2-anyos babaeng paslit nang matagpuan makaraan maiwan sa nasusunog nilang bahay, sa Brgy. Kamuning, Quezon City, kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Quezon City Fire, kinilala ang biktimang si Kyna Labasog, residente sa 8 K7 St., Brgy.  Kamuning.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng pamilya Nobregasa dakong 1:10 ng hapon.

Kasama ni Kyla sa bahay ang ilang kaanak ngunit  nang magsimula ang sunog ay naiwan ang natutulog na paslit dahil sa kanilang pagkataranta.

Dakong 3:00 pm nang matagpuan ang sunog na katawan ng biktima makaraan ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Tinatayang 11 bahay ang nasunog habang umabot sa P300,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top