Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Singer/actor/composer Richard Merk in-demand sa concerts at may weekend show sa DWIZ tuwing Sabado
Singer/actor/composer Richard Merk in-demand sa concerts at may weekend show sa DWIZ tuwing Sabado

Singer/actor/composer Richard Merk in-demand sa concerts at may weekend show sa DWIZ tuwing Sabado

 

MARAMI  ang  nanood  sa  first show ni Richard Merk at ng Cool Daddies noong Sabado sa Rhythm and Blues, located sa 107-B Mother Ignacia St., Quezon City malapit sa ABS-CBN.

At ayon pa sa very supportive na media personality na si Ma’am Ron Merk, ever since ay naging very supportive sa career ni Richard ay nag-enjoy ang buong crowd sa performance ng Jazz Prince (Richard) na hindi kinakalawang sa galing at ng Cool Daddies na beterano na rin sa mga concert.

At dahil jampacked ang venue ay tuloy-tuloy silang mapapanood sa Rhythm and Blues sa dara-ting na Feb 3 and 10. Samantala balik radyo si Richard at magkasama na sila ngayon ni Ma’am Ron sa DWIZ (882 KHZ) at mapapakinggan siya sa kanyang weekend show every Saturday at 3:00-4:30 pm na “Words & Music.”

Every week ay may guest na co-opm artist si Richard at magpapatugtog siya ng inyong mga favorite OPM songs kasama ng kanilang stories and trivia na magbibigay inspirasyon sa kanilang fans.

Last Saturday, ang isa sa lead star ng “Ang Larawan” movie na si Rachel Alejandro ang na-ging bisita nila.

Mapapanood ninyo sila sa buong mundo sa pamamagitan ng Facebook Live sa DWIZ 882.com at i-like sila at i-share.

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved