Sunday , September 19 2021

Ex-parak tiklo sa P430-K shabu (Tangkang manuhol)

ARESTADO ang isang dating pulis makaraan makompiskahan ng 36 gramo ng shabu, P430, 000 ang street value, sa bayan ng Mabolo, Cebu City, nitong Sabado.

Ayon sa suspek na si Antonio Tabug, pumunta siya sa estasyon dahil inutusan siya ng isang alyas Boltek na suhulan ang mga pulis ng P50,000 para pababain ang kaso ng isa pang suspek na ina-resto dahil sa droga.

Ngunit hindi alam ni Tabug na nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad para sa pagbalik niya sa estas-yon.

Kinapkapan siya ng mga pulis at nakompiskahan ng 36 gramo ng shabu, ayon sa pulisya. Ngunit itinanggi ni Tabug na kaniya ang droga.

Nasilbi si Tabug nang 28 taon sa pulisya bago magretiro noong 2014.

About hataw tabloid

Check Also

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *