Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kapag may FGO herbal products para na rin may doktor at ospital sa bahay
Kapag may FGO  herbal products  para na rin may doktor  at ospital sa bahay

Kapag may FGO herbal products para na rin may doktor at ospital sa bahay

Dear Sis Fely Guy Ong,

AKO po si Sis Norietta A. Conwi.

Ako po ay sumulat sa inyo upang magpapatotoo sa mga produkto ng inyong Krystal Herbal Oil, Nature Krystal Herb, B1B6 at Yellow Tablets.

Noong March 14, 2014 ang anak ko na babae, 41 taon gulang, sa hindi ko inaasahan hatinggabi bigla siya dumaing ng pananakit ng kanyang ulo, ang akala ko pangkaraniwan lamang na pananakit ng ulo niya. Subalit nang makita kong hawak-hawak niya ang kanyang ulo, ang ginawa ko kumuha ako ng Krystal Oil at hinaplos ko nang banayad ang kanyang batok subalit habang inahahaplos ko ang kanyang batok nakita ko ang kanyang bibig ay tu-mabingi na rin. Ang ginawa ko hinaplos ko ng Krystal Oil ang kanyang bibig kasi tumitigas na talaga. Hinaplos ko sa mukha niya hindi ko tinigilan ang paglagay ko, nang medyo lumambot na ang bibig ng anak ko pinainom ko siya ng apat na B1B6 tapos pinainom ko rin ng Nature Krystal Herbs. Tapos hindi siya makatayo at mahina ang buong katawan niya ang ginawa ko hinaplosan ko ang buo niyang katawan ng Krystal Oil paulit-ulit. Hindi nagtagal nakapagsalita siya at dinala ko sa banyo. Alam po ninyo umihi siya, ang dami pagkatapos doon palang sa banyo nakatayo na siya.

Nang gabi rin na iyon, dinala pa rin ng manugang ko sa ospital para mapa-check up, para raw makasigurado kung walang diperensya ang utak ng anak ko.

Sa awa ng ating Panginoon, normal lahat ang resulta kaya ako nagpapatotoo sa inyo para roon sa mga nagkaganito ang mga nangyayari sa kanila. Huwag po tayo manghihina kailangan lakas ng loob at manalangin at higit sa lahat, dapat palagi tayo mayroon sa bahay ng mga produkto ng FGO, tulad ng langis na Krystal Oil, Nature Krystal Herbs, B1B6 at Yellow Tablets.

Kasi itong panahon natin sobrang mainit, katulad kagabi bigla naglagnat ang apo ko bago matulog. Okey naman wala naman kahit sinat. Nagulat na lang ako bandang 3:00 ng madaling araw, nahipo ko ang apo ko sa ulo, ang init. Iyon pala 39 na ang lagnat. Ang ginawa ko ay pinainom ng Yellow Tablets 3 piraso parang nagdahilan lang wala pa isang oras pinagpawisan na wala na ang lagnat hanggang kinabukasan.

Salamat po sa mga produkto ng FGO para ka nang may doktor sa bahay at may hospital. Kaya ako palagi ako mayroon sa bahay, kasi hindi natin inaasahan ang mga pangyayari lalo na sa hating gabi.

Maraming-maraming salamat po sa mga produkto ninyong FGO.

God Bless Sis Fely, bigyan po kayo ni Yaweh El Shadai ng mahabang buhay at malakas na katawan.

Pasensiya na po kayo sa patotoo.

Salamat po,

Sis Norietta Conwi

Fely Guy Ong

COMMENTS

About Fely Guy Ong

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved